Hatakin lang ang 6 na malulupit mong in-game friends at bumuo ng isang team, kahit pa magkakaiba kayo ng guild, at sumali sa kakaiba at mamaw na League Masters competition na ito!

 

Clash of the League Masters


Nabitin ka ba nung Conqueror’s Path V at King of the Hill, or sadyang di ka lang nakasali sa mga event na yun at medyo weaksauce ka pa? Pwes, eto na ang pagkakataon mong bumawi! Hatakin lang ang 6 na malulupit mong in-game friends at bumuo ng isang team, kahit pa magkakaiba kayo ng guild, at sumali sa kakaiba at mamaw na League Masters competition na ito! Basahin ang mga mechanics sa baba!

Mechanics

1.) Pumili ng pitong (7) members na magre-represent sa isang team. Ang magkakasama sa isang team ay maaaring magkakaibang guilds. Walang item/equipment restriction sa event na ito. Ibig sabihin pwedeng gumamit ng kahit anong character at kahit ilan at kahit anong eP (premium items) at reward items (mga gamit na napanalunan sa event). Ang class restriction sa bawat league ay ang sumusunod:

a. Junior League – maximum of 1 shaman and 2 archers
b. Extreme Class League – no class restrictions
c. Senior League – maximum of 1 shaman and 2 archers

2.) Mag-register sa official Clash of the League Masters thread sa forums na makikita sa Ran Online Events and Updates section. Magkakaroon ng 3 divisions ang competition na ito na kung saan ang mga members ng isang team ay may required level:

a. Junior League – para sa levels 100 to 157
b. Extreme Class League – para sa levels 100 to 180
c. Senior League – para sa levels 158 to 210

3.) Ang 8 teams (per League) na unang makakapag-register ang makakasali sa event.

4.) Mag a-assign ang GMs ng required costume sa bawat araw ng laban.

5.) Mag-online ng 15 minutes bago magsimula ang event dahil maaring simulan ng GM ang event anumang oras, handa man o hindi ang mga kalahok. Ang mga naka-online na team members lamang ang isa-summon ng GM sa event location pagdating ng takdang oras. Bawal ang substitute o proxy sa mga miyembro na absent.

6.) Pumunta sa Upper Part ng Marketplace sa Channel 0 ng bawat server. Mula sa Marketplace ay isa-summon ng GM ang mga team members sa event location pagdating ng takdang oras.

7.) I-accept ang party invitation ng GM. Para matiyak na tamang setting ang gagamitin sa bawat match, ang GM lang ang pwedeng magsimula ng duel.

a. 1.00 HP; No pots; Area restriction ON
b. Maximum of 15 minutes; 1 round lang
c. Pag lampas 15 minutes, ang team na may pinaka-maraming miyembro ang mananalo
d. Pag tie ang numero ng miyembrong natira, magkakaroon ng duel ang 1 representative bawat team na hindi dapat Shaman

8.) Ang 8 teams ay hahatiin sa 4 na battle sets. Ex. Team A versus Team B, Team C versus Team D etc.

9.) Knockout system ang labanan sa bawat battle set. Sa oras na magsimula ang laban, ang dalawang team na kasali sa match, maliban sa GM, ay kailangang maglaban.

10.) Ang team na mana-knockout ay talo at hindi na pwedeng sumali sa laban.

11.) Ang mga nanalong team ay muling paglalabanin. Ang huling dalawang (2) team na matitira ang maglalaban para sa 1st at 2nd place. Magkakaroon ng loser’s bracket para sa 3rd place.

Schedule

Registration:

http://forums.e-games.com.ph
Opening: October 18, 2009 (Sunday) – 3:00 PM
Closing: October 22, 2009 (Thursday) – 3:00 PM

Hanapin ang official threads sa RAN General Discussions per server:

1.) Clash of the League Masters REGISTRATION – JUNIOR
2.) Clash of the League Masters REGISTRATION – EXTREME
3.) Clash of the League Masters REGISTRATION – SENIOR

Format ng registration post:

1.) TEAM NAME:
2.) CHARACTER NAMES OF MEMBERS:
3.) TEAM SCREENSHOT (include link using image hosting websites)
4.) SERVER:
5.) LEAGUE NA SASALIHAN:

Schedule per Server:

Hanapin ang schedule ng events at matchups sa “Clash of the League Masters OFFICIAL SCHEDULE Thread” under RAN Updates and Events – In-game.

Prizes (for each member, all prizes are DROPPABLE)


Champions

+10 Def/+10 Atk Super Airplane Head [Purple] with +250 HP, +10 Hit Rate, +10 Evasion (3 months)
+10 Def Copper Earrings with +200 HP, +1% HP/MP/SP Regeneration (3 months)

1st Runner Up

+9 Def/+9 Atk Super Airplane Head [Yellow] with +200 HP, +10 Hit Rate, +10 Evasion (2 months)
+9 Def Copper Earrings with +150 HP, +1% HP/MP/SP Regeneration (2 months)

2nd Runner Up

+9 Def/+9 Atk Super Airplane Head [Red] with +200 HP, +10 Hit Rate, +10 Evasion (1 month)
+9 Def Copper Earrings with +150 HP, +1% HP/MP/SP Regeneration (1 month)

Note sa prizes:

1.) Ang prizes (droppable) ay ibibigay sa team leader
2.) Magbigay po ng 3 days to a maximum of 1 week para sa processing ng items
3.) Ang prizes ay pwede ipa-nondrop or A2A through Event Shop services

Paunawa: Ang mga ito ay maaring magbago dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan (technical difficulties) bago magsimula ang event.